Ganyan Talaga ang Buhay, Parang Gulong Minsan Naaaksidente.

September 29, 2009 at 9:46 am (Pangyayari)

Nabangga ng motorsiklo yung bata.Iba’t-iba ang reaksiyon ng mga nakakita, may nagulat, may natulala, may sumigaw, may nagalit at may may naniningil ng utang.

Nag-crash ang motorsikllo sa tabi, hindi pa man nakakabangon ay nagpapaliwanag na ang babaeng driver. “Hindi ako ‘yon! Promise! Mamatay man yung bata!”. Agad namang nakakita ng pagkakataong umepal ang mga manginginom na tambay sa tabi, tinulungan nila yung babaeng driver sa pag-tayo. Yung bata naiwan sa gitna ng kalsada muntik pang masagasaan ulit ng bisikleta ng sorbetes.

Hindi ko maipaliwanag ang biglang pag-dami ng tao, may tumatakbo, may nag-lalakad, may gumagapang, may bumangon mula sa lupa, may nag-sky dive at may nagpe-facebook. Parang choreographed din yung mga tao, agad nag-form ng circle paikot sa bata, kulang nalang ng tarpaulin eh para na silang fans ni Tina Turner. Instant celebrity yung batang hindi na makahinga sa dami ng fans niya.

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang Ina ng bata. Parang pelikula, tumatakbo yung nanay, slow motion, lumilipad ang rebonded na buhok, tumatalsik ang bagong pedicure na kuko, amoy na amoy ang sang-katutak na pabango. Galing ‘ata ng parlor si Ina, nakakahiya nga naman kasi sa mga kumare niyang nakiki-usyoso doon sa crime scene.

Hindi ko na tinapos ang palabas. Umuwi na ‘ko. Ang sakit sa bangs, na-una pa sa ‘kin makauwi ang chismis. Walang panama ang Stealth planes sa bilis ng chismis sa ‘pinas.

FLASH REPORT…

Reporter: Ano po ang inyong reaksiyon sa nangyaring aksidente?

Woman: Ha? Nay! Nasa TV na ‘ko! Hi kay Junjun, kay Bantay, kay Ging-Ging, saka sa crush ko na si John Loyd! EEEEEH!

Reporter : Ano po ang reaksiyon ninyo sa nasabing aksidente?

Tambay: Ah… naging successful naman.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: