Gayan Talaga ang Buhay Parang Gulong, Minsan Nauubusan ng Idea.

December 3, 2009 at 10:52 am (Uncategorized) (, , )

ANNOUNCEMENT

Simula po sa araw na ito ay mag a-update na ako ng aking blog ng dalawang beses isang linggo.

Huwag lang akong mauubusan ng idea!

Sige!

Permalink Leave a Comment

Ganyan Talaga ang Buhay Parang Gulong, Minsan May Quotation.

November 16, 2009 at 7:59 am (Uncategorized) ()

“Ang maling ginagawa ┬áng matatanda nagiging tama sa mata ng mga bata.”

 

Tip: Sa tuwing gagawa ng mali siguraduhing tanggalin muna ang mata ng bata.

Permalink Leave a Comment

Ganyan Talaga ang Buhay Parang Gulong, Minsan Walang Magawa.

October 1, 2009 at 8:26 pm (katanungan) (, , )

Sa mga panahong wala akong magawa ay naitatanong ko sa sarili ko ang mga katanungang ito…

Ano nga ba ang ginagawa ng mga taong walang magawa?

May ginagawa ba talaga sila o talagang wala?

Paano mo ba masasabi na walang ginagawa ang isang tao?

Kung natulog lang ako maghapon, anong ginawa ko? Wala? O maghapong pagtulog lang ang ginawa ko?

Ano ang pagkakaiba ng walang ginagawa sa gumagawa ng wala?

Kapag gumagawa ka ng wala may nagagawa ka ba?

Paano mo malalamang tapos ka na sa paggawa ng wala?

Ano ang deodorant ni Kris Aquino?

Umu-utot din ba si Marian Rivera?

Ano ang lasa ng kulangot?

Haaay… ang hirap talaga kapag wala kang magawa.

Wala. Wala. Wala.

Ang sarap mag-wala.

Permalink Leave a Comment

Ganyan Talaga ang Buhay, Parang Gulong Minsan Naaaksidente.

September 29, 2009 at 9:46 am (Pangyayari)

Nabangga ng motorsiklo yung bata.Iba’t-iba ang reaksiyon ng mga nakakita, may nagulat, may natulala, may sumigaw, may nagalit at may may naniningil ng utang.

Nag-crash ang motorsikllo sa tabi, hindi pa man nakakabangon ay nagpapaliwanag na ang babaeng driver. “Hindi ako ‘yon! Promise! Mamatay man yung bata!”. Agad namang nakakita ng pagkakataong umepal ang mga manginginom na tambay sa tabi, tinulungan nila yung babaeng driver sa pag-tayo. Yung bata naiwan sa gitna ng kalsada muntik pang masagasaan ulit ng bisikleta ng sorbetes.

Hindi ko maipaliwanag ang biglang pag-dami ng tao, may tumatakbo, may nag-lalakad, may gumagapang, may bumangon mula sa lupa, may nag-sky dive at may nagpe-facebook. Parang choreographed din yung mga tao, agad nag-form ng circle paikot sa bata, kulang nalang ng tarpaulin eh para na silang fans ni Tina Turner. Instant celebrity yung batang hindi na makahinga sa dami ng fans niya.

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang Ina ng bata. Parang pelikula, tumatakbo yung nanay, slow motion, lumilipad ang rebonded na buhok, tumatalsik ang bagong pedicure na kuko, amoy na amoy ang sang-katutak na pabango. Galing ‘ata ng parlor si Ina, nakakahiya nga naman kasi sa mga kumare niyang nakiki-usyoso doon sa crime scene.

Hindi ko na tinapos ang palabas. Umuwi na ‘ko. Ang sakit sa bangs, na-una pa sa ‘kin makauwi ang chismis. Walang panama ang Stealth planes sa bilis ng chismis sa ‘pinas.

FLASH REPORT…

Reporter: Ano po ang inyong reaksiyon sa nangyaring aksidente?

Woman: Ha? Nay! Nasa TV na ‘ko! Hi kay Junjun, kay Bantay, kay Ging-Ging, saka sa crush ko na si John Loyd! EEEEEH!

Reporter : Ano po ang reaksiyon ninyo sa nasabing aksidente?

Tambay: Ah… naging successful naman.

Permalink Leave a Comment

Ang Buhay ay Parang Gulong…

September 28, 2009 at 4:01 pm (Uncategorized)

Ang buhay ay parang gulong…

Minsan nasa taas, Minsan nasa baba

Minsan mabilis, Minsan mabagal

Minsan tumatakbo, Minsan lumalakad

Minsan mabango, Minsan mabaho

Minsan tumatawa, Minsan umiiyak

Minsan masaya, Minsan malungkot

Minsan naliligo, Minsan hindi

Minsan panalo, Minsan talo

Minsan walang pera, may 5-6…

Kahit ano pa man ang nararanasan tuloy pa rin ang ikot ng magulong ┬ábuhay…

Permalink Leave a Comment

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.